Dis 25, 2013

Mga inaanak na mukhang pera.


Dear mga inaanak,
Wag kayong kumatok sa bahay, naiirita ako dahil may hungover ako, AT WALA NA RIN AKONG PERA.
Love, 
         Ninong 

 Grabeh.Kailangan ba talagang harangin ako sa labas? Or sugurin ako sa bahay ng mga gutom na mga inaanak? At may request pa ah! I mean, okay fine, no offense meant...hindi kasi ako ganyan nung bata ako. Pag may binigay si ninong or ninang, eh di masaya, kung wala okay lang. Bakit naman kasi kailangan nilang manggising or something na parang ang laki ng kasalanan mo kapag di ka nagbigay.
SCENARIO 1

"Ninong, si baby oh, hinahanap ka..."

Ako: Weh, di nga? Di pa nga nagsasalita yung bata hinahahanap agad

Maytrabaho ako, at wag kayo mag-alala,dahil bibigyan ko naman ang mga inaanakko. Nagkakataon lang na waley talaga ngayong pasko. Syempre, unahin ko muna sarili ko at pamilya ko. DIBA?

SCENARIO 2

"Oh, eto na inaanakmo oh. Bigyan mo na ng pamasko."

Ako: Yan ang sinasabi ko...

"Dali na!"

Ako: Wala akong pera dito teh, bibigyan ko next week na.

"Kahit isang daan lang! Grabeh ka naman."

Ako: WAG MO KO DIKTAHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN!

Ay, basta. May issues talaga ako pagdating sa mga ganyang bagay. Wag natin turuan ang mga bata na manghingi sa mga ninong. Although, wala rin naman akong nakikitang masama, kasi masaya naman yung mga bata. Pero ang point ko, yung mga magulang na kung maka-dikta sa mga pobreng ninong at ninang na katulad namin. Ok?

MERRY CHRISTMAS FOLKS!



 



 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento